Alam naman nating lahat ang Siomai ngunit alam niyo ba na may fried siomai na? kung alam niyo na magaling!.Ang Fried Siomai ay hindi gawa sa pilipinas ito ay na adapt lng ng mga pilipino dahil sa globalisasyon ngunit hindi naten inakala na magiging sikat ang pagkain na ito sa pilipinas ultimo mga street vendors ay nagawang magbenta ng siomai pero ung inusukang siomai lang ito ay nabibili ng apatan sa halagang bente pesos.
Noong ako'y nasa hayskul pa lang halos lahat ng aking mga kakaklase ay nahiligan ang pagkain ng siomai na nabibili sa may likuran ng aming paaralan, sikat na sikat ang siomai noon sa amen at ako lang siguro ang taong di pa nakakatikim nito. Pagtungtong ko ng kolehiyo ay sinubukan kong tikman ang piniritong siomai na ito sa tindahan sa may carpark ng ust na ang pangalan ay Pizzaroll. Ang nagpakilala sa akin sa pagkain na to ay isa sa mga kaklase ko ngayon sa kolehiyo, sinabi niya saken na itry ko ang fried siomai na may kasamang kain at agad agad akong bumili, ako'y nasarapan ng sobra sobra hindi ko na natigilan ang pagkain ng fried siomai hanggang ngayon. alam ko masama kumain ng ganun araw araw kaso di ko na mapigilan sobrang sarap. sana di ako magkasakit.
Bukod sa Masarap na ito mura pa at busog pa ko sa piniritong siomai na yan, ibang klase kasi ang lasa nito hindi nakakasawa kakaiba habang tumatagal lalong sumasarap, sa tingin ko hindi lang ito nabibili sa ust carpark, sana meron pang tindahan nito sa iba't ibang lugar para matikman din ng mga taong sa tingin nila ay wala na silang pagaasa mabuhay dahil ang fried siomai na ito ay nakakapagkompleto ng buhay sa sobrang sarap nito ay mapapalipad ka sa saya. :)
-Maria Dominica Joan Diaz Belmonte
